Traydor kay Tolome, mabibisto na!

Lalong umiinit ang mga action-packed na kaganapan kay Tolome (Sen. Bong Revilla) dahil malapit na niyang malaman ang isang pasabog na sikretong magbabago ng kanyang buhay sa huling dalawang linggo ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.’

Matapos madisgrasya si Msgt. Pretty Competente sa isang organized hit and run, desidido ngayon si Tolome na gawin ang lahat upang hanapin kung sino ang may pakana nito. Sa isang di inaasahang twist na gugulat kay Tolome, isa pala sa pinakamalapit niyang katiwala ang utak sa krimen na nag-iwan kay Msgt. Pretty sa ospital.

Madidiskubre na kaya ni Tolome ang ahas na matagal nang nagtatago sa kanyang puder? Ano naman kaya ang maisisiwalat na sikreto ni Capt. Ace Catacutan na magbabago sa takbo ng misyon ni Tolome?

Abangan ang mas mabibigat na aksyon at emosyonal na eksena mula sa susunod na episode ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,’ ngayong Linggo, 7:15 PM sa GMA Network.

Leave a comment